Thursday, March 30, 2017

Unexplained

Rush hours, countless vehicles, disorganized traffic lanes, driving speed and thick polluted air. Raucous noise and stale surroundings in an open city.

Younger generation finds peace. maybe in books, teachers and friends, but actually not. Maybe this is where we learn, but do we actually implement it?


Some finds peace on dirty shorelines, listening to calm music of the waves. How can you possibly take in the scenery?

Better choose to be alone in the wild. Nature's sound is enough.

Sunsets, barely seen, with so much pollution visibly seen. This should have proper measures starting with the youth of this generation.

This place is ours. We need Earth to survive. Start to care, pick up the trash, the change begins in our hands.

Human Rights


Noong nakaraang Disyembre 10, 2016 ginanap ang Arts for Human Rights upang gunitain ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Paggalang sa Karapatang Pantao at pagkundina sa lahat ng paglabag sa karapatan ng mamamayan. Ang programa ay ginanap sa ganap na alas diyes ng umaga sa ikatlong palapag ng Pacific Mall particular na sa Event Center.

Pinasimulan ang programa sa pamamagitan ng panimulang pagsasalita ng isang bababeng may kulay ang buhok. Sumunod pa ay inanyayayahn ang ilang estudyante na ipakita ang kanilang talent sa unahan. May nagspoken word at may kumanta. Ipinanood sa amin ang pelikulang Barber’s Tale. Pagkatapos ay nagsimula ang mga talk na inihanda ng bawat speaker. Tinalakay nila ang tungkol sa isyu ng mga magsasaka, tungkol sa extra judicial killings. May nagrap at nagspoken words din sa mga speakers.

Sa huli ay nagcandle lighting ang mga natirang participants sa programa.

Unexpected Wrath: Taklub

Nawalan na nga ng tirahan, nawalan pa ng kapamilya si Renato dahil sa sunog na nangyari sa tent na kanilang tinutuluyan. Pagkatapos was akin ng Bagyong Yolanda ang kanilang bahay, naabo naman ang kanyang puso  dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at mga anak sa di inaasahang sunog. Isang pangyayaring parang sa drama lang sa TV nangyayari.
Mga pangyayaring nagbubukas sa realidad ng buhay pagkatapos ng hagupit ng kalikasan (natural disater).

Pilit na inayos ni Angelo kasama ang kanyang kapatid na pipi ang kanilang bahay. “Dito tayo lumaki, kaya dito din tayo tatanda,” sabi ni Angelo. Kaya siguro kahit sako ito ng “No Build Zone” mas pipiliin nilang doon tumira dahil doon sila namuhay kasama ang kanilang magulang.

Ginawa ni Direk Brillante ang indie film na Taklub, para ipaalam na ang mga Pilipino ay hindi basta-basta sumusuko sa kabila ng mga sakunang nangyayari. Ipinakikita din ang malasakit at pagtulong ng Pilipino sa iba nang walang hinihinging kapalit. Narito din ang pagiging maka-Diyos.

Dahil malapit ang Pilipinas sa Dagat Pasipiko, madalas tayong daanan ng bagyo. Mga bagyong nananalanta din sa Quezon. Katulad ng nangyari sa pelikula, ipinakita ang pagmumove on ng mga tao pagkatpos ng sakuna, andito ang katotohanan na may mamamatay at makakaligtas.

Ang indie fil na taklub ni Brillante Mendoza ay tungkol sa buhay ng mga Pilipino pagkatapos ng bagyo, walang happy ending. May mga mamamatayan, nasunugan at nawalan o nasiraan ng bahay. Masakit, pero kailangan tanggapin at magpatuloy sa buhay para sa mga natitira pang pamilya.


Sa pelikula, medyo magulo ang camerawork at ang ibang artist ay nagsstutter. Sana ay naging maayos ang transition ng mga pangyayari para connected. Pero over-all naiintindihan naman ang theme ng film.

Pat's


Started:

Continued:








 Shared:







Changed:










Patrick might be a silent type within the bounds of our room, maybe he just expresses himself. He also expresses his opinions and other matters regarding himself in his Facebook. :)

Wednesday, March 29, 2017

-----

Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Isa po ako sa ordinaryong Pilipino sa bansang nasasakupan ninyo, isang concerned citizen ng Pilipinas.
Madami kayong pangako bago nahalal bilang pangulo. Isa na dito ay pagbibigay ng solusyon sa pinakamalaking isyu sa Pilipinas, ang droga.

Palaging laman ng balita ang nangyayari extra judicial killings dahil parang naging kakambal na ito ng War on Drugs.

Sa araw-araw na napapanood koi to, naging isang malaking tanong kung lahat ng aba ng napapatay ay gumamit ng drugs, naging pusher o naging drug lord. Paano kung yung iba ay sinet-up lang, nilagyan ng shabu sa bulsa, at pinatungan ng karton na may nakasulat na ‘pusher ako ‘wag tularan’? tama po ba na patayin sila agad nang walang sapat na ebidensya?

Sa kabilang banda, naging isang malaking hakbang ang War on Drugs paa sa progreso ng pag-aalis ng drugs sa Sistema ng bansa. Ngunit ang anim na buwan ninyong pangarako ay napako. Marami pa ring nagtatago at patuloy na gumagamit ng drugs sa likod ng proteksyon ng iba.

Ang aksyon na inyong ginagawa sa War On Drugs ay naghatid ng takot sa iba. Maaaring sabihin na kung walang kasalanan ay hindi dapat matakot. Pero hindi masisisi ang iba lalo na kung shabu sa bulsa at karton lamang na may nakasulat ang magpapatunay na ika’ya nagkasala.
Extra Judicial Killing is a large issue to be discussed. Pero laganap na ito ngayon. As a student, I will prefer Oplan Tokhang as the ebst remedy for this issue. Kaso sa balita, ang mga nanlalaban ay napapatay din.

Maaaring ang mga hakbang na ginagawa n’yo ngayon ay maging dahilan para sa pagunlad ng Pilipinas sa darating pang mga taon. Ngunit bilang estudyante, hindi maiiwasang isipin ko na bakit extra judicial killings pa. I mean, ang pagpatay ay labag sa batas. Bakit ito ang nagiging daan para wakasan ang isyu ng bayan?

EJK is causing Philippines’ image to be at stake. Pero salamat po sa paggawa ng paraan na mabago ang system ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng tuldok sa isyu ng drugs.

Lubos na gumagalang,

JAO

Better Take It!

Mulat na tayo sa mundong madaming pagpipilian, pwedeng ikasaya at pwede ring pagsisihan. Bago ka tumungtong sa Grade 11, dadaan ka muna sa madugong pagpili ng strand. Sa pagpili mo ng tatahaking landas/strand kelangan mong isaalang-lang ang gusto at talento mo.

Sa apat na strand under Academic Track which are STEM, ABM, GAS, at HUMSS, kapansin-pansin at nakakakuha ng interes ang HUMSS. Tumatayo itong acronym para sa Humanities and Social Sciences. Kung gusto mong pag-aralan ang katulad mong tao sa aspeto man ng pag-uugali at pakikipag-socialize, ito ang kunin mo.

Kung passion mo ang pagsusulat, mapatula man ‘yan o nobela, mas maganda kung HUMSS ang kukunin mo. Kung pinagpala ka ng malikhaing kamay at isip sakop din ito ng HUMSS. Nasa ilalim din ng strand na ito kung gusto mo mag-aral ng sikolohiya. Kung gusto mo naman magturo, mapa-elementarya man o sekondarya, ito ang magiging tulay para maging isang skilled student ka sa college kung ang kukunin mo ay Education.

Masaya sa mundo ng HUMSS, hindi masyado mahirap ang Math. Mapag-aaralan din ang iba’t ibang relihiyon dahil may subject na tumatalakay dito.

Kasama sa specialization subject ng HUMSS ang Creative Writing, 8 Major World Religions and Belief System, at Disciplines and Ideas on Social Sciences.

Mga subject na hindi mo makikita sa ibang strand kasi nga specialized lang para sa HUMSS. Masaya dahil nadedevelop pa ang talent mo sa pagsusulat at mag-iisip ka ng mga logic hanggang sa maubos na laman ng utak mo. Kung paano mo maayos na maipapahayag ang gusto mong iparating. Magulo ba? Sa HUMSS, maiintindihan mo lahat.

Sa HUMSS din matatagpuan ang mga performers. Sa strand din naito ang mga pangit, maapaganda mo, sa pagitan ng mga salita.

Bilang isang HUMSS student, kinuha ko ito dahil gusto kong maging teacher. Hindi naman ako nagkamali, naeenjoy ko ang lahat habang natututo.

Huwag mong isipin na mahirap para maging madali. HUMSS suits you if you feel complicated. This is a world full of puzzles at inaantay ka na para mabuo ito.

You better take HUMSS, ‘di ka magsisisi. Magiging writer, performer, teacher, newscaster, all-in-one ka.

Monday, February 27, 2017

Critical Essay

Alejandro Abadilla
[http://taasnookahitkaninopilipinoako.weebly.com/panitikan.html]
Ang alinmang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na paniniwalaan natin ang sinasabi, tumutuligsa sa mga institusyon o indibidwal o umaaliw sa mambabasa. Maituturing na sanaysay ang mga pormal na sulatin tulad ng panunuring pampanitikan


Pagdating sa sanaysay, dapat una pa lang malakas na ang magiging impact mo sa mambabasa para mawili sila na ipagpatuloy ang pagbasa sa iyong sanaysay. Kailangan mayroon itong natatanging estruktura na kapareho ng sa bahay. Magiging epektibo ang isang sanaysay kung mayroon itong lohika at organisadong kaisahan. Kailangan ‘ding ito’y kapani-paniwala, mas maganda kung galing sa sariling karanasan. Dapat may lalim din ang bawat salitang gagamitin. Ang mga katangiang ito ng isang sanaysay ang magpapakilala sa natatangi nitong manunulat.


[el-major-libro.jpg]

Ipinanganak tayong mga manunulat, ang problema na lang ay kung paano natin mapapaunlad ang ganitong talento. Nasa atin kung gugustuhin ba natin itong paunlarin o hahayaang mabulok na lang at hindi gagamitin. Sa panahon ngayon, laganap ang isyu sa sarili man o sa lipunan kaya kaalinsabay nito ay madalas makabasa ng mga sanaysay. Ito ang pinakasimpleng paraan para mailabas mo kung ano man ang hinanakit mo at para maibahagi mo ang gusto mong paniwalaan nilang impormasyon



Ang pagsusulat ng ganitong uri ng literary form ay hindi trip lang, kumbaga’y may pinaghuhugutan ‘din. Sa paraang ito, nakakapagbigay ka ng impormasyon at makakapaghikayat ka ng mga mambabasa. In short, may purpose ka para gumawa nito, parang sa love na uso sa kabataan ngayon, magugustuhan mo ba s’ya ng walang dahilan? Sino namang maniniwala kapag ganyan ang dahilan mo.


Kung simplisidad ang basehan, isa ang sanaysay sa mga halimbawa ng literary form na maibibigay. Malaki ang naging ambag nito sa panitikan. Maliban sa mg tula, plays at nobela, sanaysay ang madalas basahin ngayon, bukod sa madali itong maitindihan, nakakarelate ‘din yung iba sa topic kasi nga base ito sa mga totoong pangyayari  kaya nadadala nito ang mambabasa sa kung ano mang vibe meron ang flow nito.

Madalas na hango ang CNF sa totoong karanasan ng manunulat. Isang simpleng halimbawa ng ganitong uri ng panitikan ay isang talambuhay na ang paksa ay nagpapakilala sa napagdaanang karanasan ng isang specific na tao. Ito ang higit na magbibigay ng satisfaction sa mambabasa kaysa iba pang mga bagay.


Kapag nakarinig ka ng sanaysay, iisipin mo na agad kung ilang pahina ang magagamit nito, o kaya ay ilang pahina ang babasahin mo. Kung blogging at sanaysay ang pag-uusapan, parang ang layo naman yata ng pagitan pero kung susumahin, ang blogging ay parte ng CNF. Hindi porke’t maikli e hindi na sanaysay, sa pamamagitan ng blogging nakakapagpahayag ka ng iyong nararamdaman, maaari kang magbahagi ng impormasyon depende sa tema ng iyong blog at maaari mo ‘ding maakit at maaliw ang mga mambabasa ayon sa paksa ng iyong blog.


Creative essay ay nagbibigay ng espasyo para sa opinyon mula sa manunulat, samantalang ang critical essay naman ay puno ng konklusyon na nabubuo mula sa isang teksto.


Hindi maiiwasan na magkaroon ng isyu kahit sa mga katiting nabagay. Kaya hindi na bago ang isyu tungkol sa pagsulat ng sanaysay, parang artista lang, hindi nawawalang ng kontrobersiya. Dahil Malaya na ang lahat na makapagsulat nito, hindi alam ng iba kung anu-ano ang mga limitasyon dito.


Nakatulong ang CNF sa pagpapaunlad pa ng panitikang Filipino. Napagpayaman nito at nahubog ang mga isip ng tao para mamulat sa kahibangan na nagaganap ngayon. Mapabansa man, lipunan at pamilya. Tiyak na ang paggawa ng ganitong uri ng literary form ay di lamang para magcomply sa paperworks sa school kundi para na ‘rin ibahagi sa iba kung ano ang nasa isip at puso mo.

1-on-1


Mahirap lumaki nang walang ina. Ito ‘yung mga kadalasang napapanood natin sa drama. Ito ‘yung temang karaniwang nagpapaiyak sa 'tin.

Ayon kay Ma. Sophia Hannah Adeser, mahirap lumaki nang walang kinagisnang ina. Mahirap daw, emotionally, kasi apag may meetings ang parents walang umaattend para sa kanya, kapag recognition wala siyang nanay na magsasabit sa kanya ng medal.

Noong mga 3-4 years old s'ya, doon nakulong ang ina n’ya pero ang dahilan sa kanya ng guardian nýa, specifically ‘yung lola nýa, ay nagtatrabaho lang ito abroad. Kaya hanggang maggrade 4 s’ya ay tanong s’ya nang tanong kung bakit hindi pa rin umuuwi ang mama n’ya. Nalaman ko rin na lumaki sýang walang kalinga ng isang ama. Nanatili lamang sýa sa puder ng lola n’ya na minahal niya nang lubos. Hanggang sa huling hininga ng lola n’ya ay hindi s’ya nito pinabayaan.

Humanga ako sa kanya nang sabihin nýang hindi s’ya naghinanakit sa kanyang mama dahil hindi naman daw nito ginusto ang nangyari.

Nang tanungin ko s’ya kung ano ang pinakamemorable na bisita n’ya sa kulungan, para itong scenario sa Miraclecell No. 7. Ikinuwento n’ya na nakatulog s’ya sa tabi ng kanyang mama noon sa loob ng kulungan.

Ngayon ay inaantay n’ya nang lumaya ang kanyang mama mula sa piitan. Excited na s’yang makasama ang kanyang nanay.

R O U T E 1



/
Isang tahimik na madaling araw, ika-27 ng Setyembre taong 2000, umalingawngaw ang sigaw ng isang ina, sigaw na nagpapahiwatig ng paglabas ng sanggol na namuhay sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan.
Sa ganap na alas tres ng umaga, sinilang ako, isang babaeng anghel na pinangalanan bilang Julie Rose. Nadala ko ang kombinasyon ng mga katangian nila mama at papa. Dahil sa probinsya ng Quezon ako iniluwal, purong Tagalog ako.
Labing anim na taon na ang nakalilipas, kilala pa rin ako sa pagiging anghel, simple at natural walang abhid ng kaartehan, matangkad at may kapansin-pansing mga mata,. Ngunit may isa akong kahinaan, ang sports. Dahil hindi naman ako mahilig ditto. Wala akong natamong serious physical injuries. Gayunpaman, mas inilalaan ko ang aking oras sa pagbabasa, gaano man kadilim ay pinipilit kong magbasa kaya naman nagkaroon ako ng permanent physical defect na nearsightedness at kasalukuyang nagsusuot ng salamin.
Hindi man ako ganoon ka-active sa sports, masa pinipili ko ang badminton. Badminton ang palagi kong nilalagay sa tuwing magfifill-up ng “favorite sport.mas gugustuhin kong matamaan ng maliit na shuttle kesa matamaan ng bola.
Sakitin ako noong bata pa lamang. Lagi akong nako-confine at nagtatagal sa ospital. Pero sa paglipas ng panahon, mas lumakas ang immune system ko kahit na may pagkapayat ako. Hindi ako sumasailalim sa anumang gamutan ngayon.
Wala pa namang dumadapong malubhang sakit a akin. Madalas lamang akong magkaroon ng lagnat, sipon, at ubo. Ayaw na ayaw kong magkakaroon ng ubo dahil halos magasgas ang aking lalamunan dahil ditto.
Sa kombinasyon ng katangian ng aking mga magulang, nangingibabaw ang nanggaling sa aking ama. Nakuha ko ang kanyang height, matangkad ako. Pinagpala ako ng tangkad kaya hindi napag-iiwanan ng aking mg aka-edad.
Namana ko naman ang ganda at kulay ng mga mata sa aking ina. Hindi man halata pero brown ang mga ito. Dahil Malabo na ang mga ito, natatakpan ng kapal ng lens ang taglay nitong ganda.
Sagana man ako sa height, ganoon naman ako pinagkaitan sa ilong. Pango ito at karaniwan na sa mg Pilipino. Okay lang naman ito sa akin dahil nagagamiti ko pa rin ito sa paghinga.
Pinalaki akong responsible ng aking mga magulang. Kahit pasaway ako ay takot pa rin naman ako sa kanila, kaya hindi ako gumagamit ng recreational drugs. Mas ginugusto ko pang manood ng Kdrama at K-videos.

/

Namuhay ako kasama ang aking mga magulang sa isang maliit ngunit komportableng bahay. Pagpasok mo ditto makikita mo agad ang salas. Bumaling ka sa kaliwa at makikita mo an gaming hapag-kainan at lababo, ipinuwesto an gaming lutuan sa labas ng bahay dahil sa usok na maaaring makulong sa bahay. Ilang bahay din ang gaming nilipatan bago manatili sa kasalukuyan naming bahay.

Hindi kami mayaman, hindi rin naman kami ganoon kahirap, middle-class kumbaga. Fish retailer si papa at housewife lang si mama.ang kita ni papa na 500 kada araw ay sapat na sa isang araw naming gastusin. Mas maayos ang pamumuhay naming kaysa noon. Wala kasing trabaho dati si papa, kaya palagi kaming nangungutang. Puro noodles at de-lata lang ang ulam naming noon dahil ýun lang naman ang nauutang sa tindahan. Laking pasalamat naming noong kunin ng ninang ko bilang fish retailer si papa. ‘Yun ang dahilan kung bakit maginhawa ang buhay namin ngayon.

Dahil housewife si Mama, siya ang palagi kong nakakasama sa bahay. Hindi nakapagtatakang Malaki ang naging impluwensya n’ya sa akin. Dahil sa palagi nýa akong pinapagalitan, may takot ako sa kanya.

Pinag-aral nila ako sa public school mula elementarya hanggang sekondarya (Junior High).maayos naman ang naging daloy ng pag-aaral ko. Nakakatanggap ako ng ilang sertipiko mula sa pagsali ko ng mga contests.

Naging aktibo ako sa pagsali sa iba’t ibang organisasyon sa school noong Junior High. Sumali ako sa YES-O, Book Lovers ng English Department at iba pang academic organizations. Nahalal ako sa matataas na posisyon sa nasabing mga organisasyon, Vice-President sa YES-O at P.I.O ng Book-Lovers.

Kahit na kasali ako sa mga organisayong ito, hindi ako popular sa school. Ordinary lang ako sa tingin ko. May mga kaibigan at may mg aka-close na guro.

Sa aking pagdadalaga, mas mahaba ang oras ko sa school. Palagi kong nakakasama ang aking mga kaibigan. Kaya naman malaki ang impact nila sa akin. Naimpluwensyahan nila ako sa pagkamadaldal ko at pagseseryoso ko sa pag-aaral.

Kapag naman nasa bahay lang ako, lagi akong nacecellphone. Nagbabasa ng stories sa Wattpad o kaya naman nanonood ng videos ng performances ng Korean Boy Groups. Kung hindi naman ay manonood ako ng iba’t ibang KDramas.

Isa sa mga turning points sa buhay ko ay ang pagiging kpopper. Hindi ko talaga inaasahan na magugustuhan ko ang KPop music. Siguro dahil maganda ang beat nito at pati na rin ang dance steps kapag pineperform na nila. Sabi nga ni CL ng 2ne1, you can love music without understanding it; in terms of its language, hindi mo talaga agad maiintindihan pero kapag sinearch mo na ang meaning, maganda talaga ang nais iparating nga kanta.

Isa pa ay ang pagiging Senior High School student ko sa Calayan. Naging mas socially connected ako ngayon. Madami akong nakilala at naging kaibigan katulad ng Familia Maharlika. Hindi sana ako tutuloy sa pag-aaral sa CEFI, babalik na lang sana ako sa LDNHS. Ngunit naisip kong sayang naman ‘yung binayad ko. Nagpapasalamat pa rin ako dahil tama ang naging desisyon ko.
/
 
Isa ako sa mga tipikal na estudyanteng makikita sa classroom. ‘Yung nakaupo lang, nakikiramdam, at minsang nakikipagdaldalan sa katabi. Hindi ako matalino, tamang nakakapasa lang kaya hindi ko alam ang IQ ko.
Mahilig ako mag-imagine kaya malawak ang imahinasyon ko. ‘Yung tipong ang nababasa kong kwneto ay ginagawa kong play sa utak ko. ‘Yung mga Kdramas, nirerewind ko ulit sa utak ko at ini-imagine na ako ‘Yung bida.
7 over 10 ang judgment ko sa sarili ko pagdating sa common sense. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon naiintindihan ko kaagad ang isang bagay. Minsan, hindi tumatakbo nang maayos ang utak ko. May mga tanong, mga simpleng tanong na kinakailangan ng common sense ang hindi ko nasasagot nang tama, tulad ng anong month ang may 28.
Sa katulad kong isang estudyante, positibo lang ang pananaw ko sa buhay. Kahit may mga problemang dumadating, think positive lang palagi. Nasasanay na lang ako sa pressure, stress, at depression ng isang learner, kaya minsan nahahandle at nakokontrol ko nang maayos ang emosyon ko.
Sa ilang taon na pag-aaral ko, natuklasan ko ang talent ko at weakness ko as a student. Sa ngayong, ang maipagmamalaki kong talent ay ang pagsasayaw. Madalas akong sumali ng group dancing competitions noong Junior High School hanggang ngayon naman ay kinakahiligan ko pa rin ang pagsasayaw. ‘Yung tipong makarinig lang ng tugtog, sasabay na agad ako sa beat.
Ang pinakasinusukuan ko ay ang pagdo-drawing wala naman kasi akong talent sa pagguhit. Ang kaya ko lang idrawing ng maayos ay taong patpat. Siguro hindi lang talaga nadevelop ang talet ko sa pagdo-drawing. Si papa kasi lagi ang pinagdo-drawing ng assignment ko noong Grade One pa lamang ako.
Habang lumalaki ako,natuklasan ko ang takot ko sa aso. Hindi rin ako sigurado kung bakit, pero paggising ko na lang isang araw, takot na ako sa aso. Takot din ako sa kahit anong uri ng insekto, lalo na sa ‘flying’ ipis. Hindi ko malilimutan ang karanasan ko habang akoý nagsisipilyo., may nakita akong ipis, pagtaas ko ng planggana ay bigla itong nawala; nasa buhok ko na pala. Takot din akong mag-isa lalo na pag-aalis. Gusto ko laging may kasam para masaya.
Natutunan ko ring pahalagahan ang isang bagay. Kaya bilang isang estudyante, mas pinahahalagahan ko ang aking pamilya ngayon. Sumunod na ang edukasyon at mga kaibigan.
 Ang  biggest achievement ko, so far, ay ang pagkanta ko ng Lupang Hinirang sa harap ng madaming tao sa Pacific Mall. Kahit kinder pa lamang ako noon ay tagumpay pa rin ‘yun, iyon na ata ang pinakauna at pinakahuling pagkanta ko nang pormal sa harap ng mapanghusgang mata ng mga tao.
Isa pa y ang naka-survive ako sa isang klaseng wala akong kilala maliban sa isa pang taga-Dalahican. Inaasahan ko kasing kahit isa man lang kila Justine noon ang maging kaklase ko. Pero masaya naman ako dahil komportable ako sa mg kasamahan ko sa Benitez.
 
/
 
Simula nang ipanganak ako, wala kaming permanenteng bahay. Nangungupahan lang kami pero hindi umaalis sa iisang purok sa barangay. Gusto kasi ni Papa ang lugar na ito dahil tahimik at wala masyadong gulo o kaso ng pagnanakaw.
Sa ngayon, binabalak nang bilhin nila papa ang bahay at lupa na kasalukuyan naming tinitirhan. Sa loob kasi ng pitong taon na paninirahan naming ditto, wala kaming masyadong malaking problema na kinaharap. Halimbawa na lamang ay problema sap era, hindi kami kinapos sa pang-araw-araw na gastusin. Itinuturing naming itong swerte sa aming pamilya.
Hindi ganoon kabongga ang aming bahay, pero kumpleto pa rin naman. May salas, may kainan, may kusina, may banyo, at may kwarto. Palaging malinis at maaliwalas ang bahay dahil kay mama. Kapag ako ang nagwalis at may nakita sýang kaoirasong buhok o mga butyl ng kanin, uulitin n’ya ulit ang pagwawalis.
Si papa, dahil s’ya ang padre de pamilya, siya ang nagtataguyod sa aming pamilya. Sapat ang kinikita n’ya para sa pangangailangan naming. Bunga ng kanyang paghihirap ang mga naipundar naming gamit tulad ng TV, washing machine at dryer. Isama pa ang mga cellphone naming, tablet ng kapatid ko at laptop ko.
Ang pinakapaborito kong tambayan sa bahay ay an gaming living room. Doon lang kasi ako nakaupo habang nanonood ng kdramas o kvideos. Doon lang din ako nakatunganga habang walang ginagawa.
Nasa living room din ang pinakamasaya kong memories sa bahay. Tulad ng sabay naming pagfafangirl ni Shena habang kumakain ng ramyeon. Isa pa ay ang panonood ko ng Mnet Asian Music Awards nang live noong Dec. 2, 2016 sa channel ng Myx. Wala itong subtitle kaya nagtiyaga ako hanggang 11:30pm at sa salas na natulog.
Kabaliktaran ng living room naming ang CR. Ito ang pinakaayaw kong parte ng bahay naming. Although, doon ako palagi kumakanta, ang weird lang ng ambiance. In short, creepy.
Kung may gusto akong parte ng bahay, mayroon din akong gusting mga gamit. Ang una ay ‘yung mga natanggap kong regalo noong birthday ko, 2016. Mahalaga kasi iyon dahil ‘yun ang unang beses kong nakatanggap ng surprise at letters mula sa mg kaibigan ko. Pangalawa ay ang laptop ko, binigyan ko pa nga ito ng sariling pangalan which is Vivi.
Pangatlo ay ang cellphone ko. Paggising koi to agad ang kapit at gamit ko hanggang sab ago ako matulog. Kaya iniingatan ko ito, dahil kapag nasira ang phone ko, wala akong perang pambili ng kapalit.
Sa pangkalahatan, masaya at kontento ako sa buhay ko ngayon. Average lang ang lahat, middle-class, balance. Kumpleto kami ng aking pamilya at nabubuhay nang payapa at masagana.