Nawalan na nga
ng tirahan, nawalan pa ng kapamilya si Renato dahil sa sunog na nangyari sa
tent na kanilang tinutuluyan. Pagkatapos was akin ng Bagyong Yolanda ang
kanilang bahay, naabo naman ang kanyang puso
dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at mga anak sa di inaasahang sunog.
Isang pangyayaring parang sa drama lang sa TV nangyayari.
Mga pangyayaring
nagbubukas sa realidad ng buhay pagkatapos ng hagupit ng kalikasan (natural
disater).
Pilit na inayos
ni Angelo kasama ang kanyang kapatid na pipi ang kanilang bahay. “Dito tayo lumaki,
kaya dito din tayo tatanda,” sabi ni Angelo. Kaya siguro kahit sako ito ng “No
Build Zone” mas pipiliin nilang doon tumira dahil doon sila namuhay kasama ang
kanilang magulang.
Ginawa ni Direk
Brillante ang indie film na Taklub, para ipaalam na ang mga Pilipino ay hindi
basta-basta sumusuko sa kabila ng mga sakunang nangyayari. Ipinakikita din ang
malasakit at pagtulong ng Pilipino sa iba nang walang hinihinging kapalit. Narito
din ang pagiging maka-Diyos.
Dahil malapit
ang Pilipinas sa Dagat Pasipiko, madalas tayong daanan ng bagyo. Mga bagyong
nananalanta din sa Quezon. Katulad ng nangyari sa pelikula, ipinakita ang
pagmumove on ng mga tao pagkatpos ng sakuna, andito ang katotohanan na may
mamamatay at makakaligtas.
Ang indie fil
na taklub ni Brillante Mendoza ay tungkol sa buhay ng mga Pilipino pagkatapos
ng bagyo, walang happy ending. May mga mamamatayan, nasunugan at nawalan o
nasiraan ng bahay. Masakit, pero kailangan tanggapin at magpatuloy sa buhay
para sa mga natitira pang pamilya.
Sa pelikula,
medyo magulo ang camerawork at ang ibang artist ay nagsstutter. Sana ay naging
maayos ang transition ng mga pangyayari para connected. Pero over-all
naiintindihan naman ang theme ng film.
No comments:
Post a Comment