Noong nakaraang
Disyembre 10, 2016 ginanap ang Arts for Human Rights upang gunitain ang
Pandaigdigang Deklarasyon ng Paggalang sa Karapatang Pantao at pagkundina sa
lahat ng paglabag sa karapatan ng mamamayan. Ang programa ay ginanap sa ganap
na alas diyes ng umaga sa ikatlong palapag ng Pacific Mall particular na sa
Event Center.
Pinasimulan ang
programa sa pamamagitan ng panimulang pagsasalita ng isang bababeng may kulay
ang buhok. Sumunod pa ay inanyayayahn ang ilang estudyante na ipakita ang
kanilang talent sa unahan. May nagspoken word at may kumanta. Ipinanood sa amin
ang pelikulang Barber’s Tale. Pagkatapos ay nagsimula ang mga talk na inihanda
ng bawat speaker. Tinalakay nila ang tungkol sa isyu ng mga magsasaka, tungkol
sa extra judicial killings. May nagrap at nagspoken words din sa mga speakers.
Sa huli ay
nagcandle lighting ang mga natirang participants sa programa.
No comments:
Post a Comment