Wednesday, March 29, 2017

-----

Mahal naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Isa po ako sa ordinaryong Pilipino sa bansang nasasakupan ninyo, isang concerned citizen ng Pilipinas.
Madami kayong pangako bago nahalal bilang pangulo. Isa na dito ay pagbibigay ng solusyon sa pinakamalaking isyu sa Pilipinas, ang droga.

Palaging laman ng balita ang nangyayari extra judicial killings dahil parang naging kakambal na ito ng War on Drugs.

Sa araw-araw na napapanood koi to, naging isang malaking tanong kung lahat ng aba ng napapatay ay gumamit ng drugs, naging pusher o naging drug lord. Paano kung yung iba ay sinet-up lang, nilagyan ng shabu sa bulsa, at pinatungan ng karton na may nakasulat na ‘pusher ako ‘wag tularan’? tama po ba na patayin sila agad nang walang sapat na ebidensya?

Sa kabilang banda, naging isang malaking hakbang ang War on Drugs paa sa progreso ng pag-aalis ng drugs sa Sistema ng bansa. Ngunit ang anim na buwan ninyong pangarako ay napako. Marami pa ring nagtatago at patuloy na gumagamit ng drugs sa likod ng proteksyon ng iba.

Ang aksyon na inyong ginagawa sa War On Drugs ay naghatid ng takot sa iba. Maaaring sabihin na kung walang kasalanan ay hindi dapat matakot. Pero hindi masisisi ang iba lalo na kung shabu sa bulsa at karton lamang na may nakasulat ang magpapatunay na ika’ya nagkasala.
Extra Judicial Killing is a large issue to be discussed. Pero laganap na ito ngayon. As a student, I will prefer Oplan Tokhang as the ebst remedy for this issue. Kaso sa balita, ang mga nanlalaban ay napapatay din.

Maaaring ang mga hakbang na ginagawa n’yo ngayon ay maging dahilan para sa pagunlad ng Pilipinas sa darating pang mga taon. Ngunit bilang estudyante, hindi maiiwasang isipin ko na bakit extra judicial killings pa. I mean, ang pagpatay ay labag sa batas. Bakit ito ang nagiging daan para wakasan ang isyu ng bayan?

EJK is causing Philippines’ image to be at stake. Pero salamat po sa paggawa ng paraan na mabago ang system ang Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng tuldok sa isyu ng drugs.

Lubos na gumagalang,

JAO

No comments:

Post a Comment