Mulat na tayo
sa mundong madaming pagpipilian, pwedeng ikasaya at pwede ring pagsisihan. Bago
ka tumungtong sa Grade 11, dadaan ka muna sa madugong pagpili ng strand. Sa
pagpili mo ng tatahaking landas/strand kelangan mong isaalang-lang ang gusto at
talento mo.
Sa apat na
strand under Academic Track which are STEM, ABM, GAS, at HUMSS, kapansin-pansin
at nakakakuha ng interes ang HUMSS. Tumatayo itong acronym para sa Humanities
and Social Sciences. Kung gusto mong pag-aralan ang katulad mong tao sa aspeto
man ng pag-uugali at pakikipag-socialize, ito ang kunin mo.
Kung passion mo
ang pagsusulat, mapatula man ‘yan o nobela, mas maganda kung HUMSS ang kukunin
mo. Kung pinagpala ka ng malikhaing kamay at isip sakop din ito ng HUMSS. Nasa
ilalim din ng strand na ito kung gusto mo mag-aral ng sikolohiya. Kung gusto mo
naman magturo, mapa-elementarya man o sekondarya, ito ang magiging tulay para
maging isang skilled student ka sa college kung ang kukunin mo ay Education.
Masaya sa mundo
ng HUMSS, hindi masyado mahirap ang Math. Mapag-aaralan din ang iba’t ibang
relihiyon dahil may subject na tumatalakay dito.
Kasama sa
specialization subject ng HUMSS ang Creative Writing, 8 Major World Religions
and Belief System, at Disciplines and Ideas on Social Sciences.
Mga subject na
hindi mo makikita sa ibang strand kasi nga specialized lang para sa HUMSS.
Masaya dahil nadedevelop pa ang talent mo sa pagsusulat at mag-iisip ka ng mga
logic hanggang sa maubos na laman ng utak mo. Kung paano mo maayos na
maipapahayag ang gusto mong iparating. Magulo ba? Sa HUMSS, maiintindihan mo
lahat.
Sa HUMSS din
matatagpuan ang mga performers. Sa strand din naito ang mga pangit, maapaganda
mo, sa pagitan ng mga salita.
Bilang isang
HUMSS student, kinuha ko ito dahil gusto kong maging teacher. Hindi naman ako
nagkamali, naeenjoy ko ang lahat habang natututo.
Huwag mong
isipin na mahirap para maging madali. HUMSS suits you if you feel complicated.
This is a world full of puzzles at inaantay ka na para mabuo ito.
You better take
HUMSS, ‘di ka magsisisi. Magiging writer, performer, teacher, newscaster,
all-in-one ka.
No comments:
Post a Comment